Linggo, Oktubre 12, 2014

BULLYING

INTRODUKSYON

         Ayon sa isang artikulo sa Deped, karaniwan nating nakikita ngayon na laman ng mga balita ang mga pang-aapi(bullying) ng mga bata sa kapwa mag-aaral sa iba’t-ibang paaralan pampubliko man o pribado na nagiging dahilan pa minsan ng pagkakasangkot ng mga magulang. Sa kadahilanang ayaw ng mga magulang na maapi ang kanilang mga anak, susugurin nila ang nang-api upang makaganti at ang nakakalungkot, nagawa pa nilang manutok ng baril, bagay na hindi dapat mangyari sa mga ng mga mag-aaral. Sa ganitong sitwasyon, naaalarma hindi lang ang DepEd, kundi maging ang mga magulang na nag-aakalang ligtas ang kanilang mga anak sa paaralan na layunin lamang ay madulutan sila ng sapat na edukasyon bilang preparasyon sa kanilang paglaki.

Ayon din sa kanila, biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at mga may kapansanan na walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang sarili mula sa mas malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-aakalang takot sa kanila ang mga kamag-aral. Ayon sa aking pagsasaliksik at base sa aking nakikita, ang mga mapang-api ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na sabik sa atensyon at pagmamahal ng magulang at hindi masyadong nagabayan kaya sa ganitong paraan nila inilalabas ang kanilang saloobin upang makakuha ng atensyon.Kung minsan napabayaan na nga ng magulang ang kanilang mga anak, bayolente pa ang pagtrato at pagdisiplina kaya naman nakuha nila ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.Patunay lamang na tama ang kasabihang “kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang ginagaya ng mga bata. 

Tayo bilang isang ordinaryong mamamayan pano ba maiiwasan ang ganitong insidente na ngyayari sa ngayon. Kailangan pa ba na isa sa atin ay mabiktima ng ganitong sistema?

Ano ang pambu-bully?
        Ang bullying ay isang uri ng karahasan hindi lang sa mga bata kudi magiong na rin sa ibang tao.
Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying  ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa isang indibidwal.

Ano ang pambu-bully?

          Ilan lamang ito sa dahilan:

Ø  Sila mismo ay biktima ng pambu-bully. 
Ø  Wala silang mabuting halimbawa
Ø  Umaasta silang nakatataas—pero insecure sila.

Sino ang karaniwang binu-bully


§  Mga mapag-isa. May mga kabataan na nahihirapang makipag-ugnayan sa iba, kaya ibinubukod nila ang kanilang sarili at madaling nagiging target ng mga bully.
§  Mga kabataang itinuturing na kakaiba. Ang ilang kabataan ay binu-bully dahil sa kanilang hitsura, lahi, relihiyon, o kapansanan pa nga—anumang bagay na puwedeng pag-initan ng isang bully.
§  Mga kabataang walang kumpiyansa sa sarili. Nahahalata ng bully kung sino ang mababa ang tingin sa sarili. Sila ang madalas binibiktima dahil malamang na hindi sila lalaban.

Ano ang puwede mong gawin kapag may nambu-bully sa iyo?

 

1.Huwag mag-react. Gustong makita ng mga bully na naaapektuhan ka sa ginagawa nila..

2. Huwag gumanti. Hindi maaayos ang problema kung Kung hindi ka magre-react, mawawalan sila ng gana gaganti ka—lalala lang iyon.

3. Huwag lumapit sa mga bully. Hangga’t posible, iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon kung saan puwede kang ma-bully.
4. Sumagot sa paraang di-inaasahan ng nambu-bully.
            5. Magpatawa. Halimbawa, kung tinutukso kang ang pangit mo, puwedeng magkibit-balikat ka lang at magsabi, “Siguro nga kailangan kong ng magpaganda.
6.  Umalis. Ang pagtahimik ay angpapakitang matured ka at na mas matatag ka kaysa sa nang-iinis sa iyo,
7.  Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Nahahalata ng mga bully kung ninenerbiyos ka, kaya kailangan mo ipakita na hindi ka naapekyuhan sa mga sinasabi o ginagawa niya.
8.  Magsumbong. Marami ng kaso ng pambubuly ang hindi naisusmbong, Pero tandaan, gusto ng mga bully na hindi sila isinusumbong. Baka ang pagsusumbong ang unang hakbang para mahinto ang problema.

May batas na ba para sa Bullying?

Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012.
Layon ng batas na maging pangangailangan sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
Ayon sa batas, ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa—pisikal man, berbal o mental—na naglulundo sa kawalang ganang o takot na pumasok ng isang estudyante sa eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying.
 sa batas. Ang bawat eskwelahan ay marapat na magkaroon ng mga pagsasanay para sa kaguruan at iba pang empleyado nito upang mapaunlad ang kaalaman at kahandaan hinggil sa pagpigil at paghadlang na maganap ang pambu-bully.
Ilan sa mga kailangang maisagawa kapag nagkaroon ng kaso ang mga sumusunod:
§  Ipagbigay alam sa tamang ahensiya ng pamahalaan kung ang pambu-bully na naganap ay maaaring iakyat sa kasong kriminal batay sa Revised Penal Code.
§  Magsagawa ng nararapat na aksyong pandisiplina.
§  Ipaalam sa magulang ng mga kampong kasangkot sa usapin.
Kung sa magkaibang eskwelahan naman nagmula ang estudyanteng nakagawa ng pambu-bully at ang biktima, kailangang magkausap ang administrasyon ng dalawang eskwelahan para sa karampatang aksyong kailangang maisagawa.
Lahat ng mga kasong maitatala ng eskwelahan ay marapat na maiulat nang nakasulat sa Division Superentendent. Ang Division Superentendent nama'y titipunin ang lahat ng ulat upang iakyat naman ito sa Kalihim ng Kagawaran sa Edukasyon; ang Kagawaran naman sa Committee on Basic Education ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.
Binibigyan din ng batas na ito ang Kagawaran sa Edukasyon ng kapangyarihang magpatupad ng kaukulang parusa sa mga indibidwal o eskwelahang lalabag sa batas e.g. pagtatanggal ng permiso upang makapagpatuloy ng operasyon para sa mga pribadong eskuwelahan.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Anti-Bullying_Act


Konglusyon


Bilang magiging guro, sa hinaharap, tungkulin kong mahubog at malinang hindi lang ang kaisipan kundi maging ang paguugali  ng aking bawat mag-aaral. Hindi lamang pang-akademikong aspeto ang ating bigyang ng pansin, kundi maging ang pagtuturon ng wastong pag-uugali upang lumaki silang may matuwid at isang mabuting tao. Higit sa lahat , makita sa ating mga guro ang pag-uugaling nais nating maitanim sa kanilang isipan at sa kanilang mga puso. Masyado man gasgas ang katagang ito, ngunit tunay naman na ang mga guro ang  ikalawang mga magulang ng mga bata sa loob at labas ng paaralan. Naalala ko pa ang sinabi ng aking ilang guro, na sila ang magsisilbing modelo sa mata ng mga kabataan, kaakibat nito ang katotohanang mas sinusunod sila ng  mga mag-aaral kaysa sa kanilang magulang. Kaya ako, ikaw , siya, tayo ay may kakayahan upang maiwasan ang karahasang dulot ng bullying.



REPERENSYA

http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/