INTRODUKSYON
Ayon
din sa kanila, biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at mga
may kapansanan na walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang sarili mula sa
mas malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-aakalang takot
sa kanila ang mga kamag-aral. Ayon sa aking pagsasaliksik at base sa aking
nakikita, ang mga mapang-api ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na sabik sa
atensyon at pagmamahal ng magulang at hindi masyadong nagabayan kaya sa
ganitong paraan nila inilalabas ang kanilang saloobin upang makakuha ng
atensyon.Kung minsan napabayaan na nga ng magulang ang kanilang mga anak,
bayolente pa ang pagtrato at pagdisiplina kaya naman nakuha nila ang ganitong
pag-uugali mula sa mga magulang.Patunay lamang na tama ang kasabihang “kung ano
ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang ginagaya ng mga bata.
Tayo bilang isang ordinaryong mamamayan pano ba
maiiwasan ang ganitong insidente na ngyayari sa ngayon. Kailangan pa ba na isa
sa atin ay mabiktima ng ganitong sistema?
Ano ang pambu-bully?
Ang bullying ay isang uri
ng karahasan hindi lang sa mga bata kudi magiong na rin sa ibang tao.
Ayon sa Kagawaran ng
Edukasyon, matatawag na bullying ang paulit-ulit na pangungutya,
pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o mapanirang salita sa
isang indibidwal.
Ano ang pambu-bully?
Ilan lamang ito sa
dahilan:
Ø
Sila mismo ay biktima ng pambu-bully.
Ø
Wala silang mabuting halimbawa
Ø
Umaasta silang nakatataas—pero insecure sila.
Sino ang karaniwang
binu-bully
§ Mga mapag-isa. May mga kabataan na
nahihirapang makipag-ugnayan sa iba, kaya ibinubukod nila ang kanilang sarili
at madaling nagiging target ng mga bully.
§
Mga kabataang itinuturing na
kakaiba. Ang
ilang kabataan ay binu-bully dahil sa kanilang hitsura, lahi, relihiyon, o
kapansanan pa nga—anumang bagay na puwedeng pag-initan ng isang bully.
§
Mga kabataang walang kumpiyansa
sa sarili. Nahahalata
ng bully kung sino ang mababa ang tingin sa sarili. Sila ang madalas
binibiktima dahil malamang na hindi sila lalaban.
Ano ang puwede mong gawin
kapag may nambu-bully sa iyo?
1.Huwag mag-react. “Gustong makita ng mga bully na
naaapektuhan ka sa ginagawa nila.
.
2. Huwag gumanti. Hindi maaayos ang problema kung Kung hindi ka
magre-react, mawawalan sila ng gana gaganti ka—lalala lang iyon.
3. Huwag lumapit sa mga bully. Hangga’t posible,
iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon kung saan puwede kang ma-bully.
4. Sumagot sa paraang di-inaasahan ng
nambu-bully.
5. Magpatawa. Halimbawa,
kung tinutukso kang ang pangit mo, puwedeng magkibit-balikat ka lang at
magsabi, “
Siguro nga kailangan kong ng magpaganda.”
6.
Umalis. “
Ang pagtahimik ayangpapakitang matured ka at na mas matatag ka kaysa sa nang-iinis sa iyo,
7.
Magkaroon ng
kumpiyansa sa sarili. Nahahalata ng mga bully kung ninenerbiyos ka, kaya
kailangan mo ipakita na hindi ka naapekyuhan sa mga sinasabi o ginagawa niya.
8.
Magsumbong.
Marami ng kaso ng pambubuly ang hindi naisusmbong, Pero tandaan, gusto ng mga bully na hindi sila isinusumbong.
Baka ang pagsusumbong ang unang hakbang para mahinto ang problema.
May
batas na ba para sa Bullying?
Ika-6
ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill
2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman nang ipasa
sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 5496, o
Anti-Bullying Act of 2012.
Layon
ng batas na maging pangangailangan sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong
bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan at magawan ng karampatang
aksyon ang mga kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
Ayon
sa batas, ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng
panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa—pisikal man, berbal o
mental—na naglulundo sa kawalang ganang o takot na pumasok ng isang estudyante
sa eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying.
sa batas. Ang bawat eskwelahan ay marapat na
magkaroon ng mga pagsasanay para sa kaguruan at iba pang empleyado nito upang
mapaunlad ang kaalaman at kahandaan hinggil sa pagpigil at paghadlang na
maganap ang pambu-bully.
Ilan
sa mga kailangang maisagawa kapag nagkaroon ng kaso ang mga sumusunod:
§ Ipagbigay alam sa tamang ahensiya ng pamahalaan kung ang
pambu-bully na naganap ay maaaring iakyat sa kasong kriminal batay sa Revised
Penal Code.
§ Magsagawa ng nararapat na aksyong pandisiplina.
§ Ipaalam sa magulang ng mga kampong kasangkot sa usapin.
Kung
sa magkaibang eskwelahan naman nagmula ang estudyanteng nakagawa ng pambu-bully
at ang biktima, kailangang magkausap ang administrasyon ng dalawang eskwelahan
para sa karampatang aksyong kailangang maisagawa.
Lahat
ng mga kasong maitatala ng eskwelahan ay marapat na maiulat nang nakasulat sa
Division Superentendent. Ang Division Superentendent nama'y titipunin ang lahat
ng ulat upang iakyat naman ito sa Kalihim ng Kagawaran sa Edukasyon; ang
Kagawaran naman sa Committee on Basic Education ng mababa at mataas na
kapulungan ng kongreso.
Binibigyan
din ng batas na ito ang Kagawaran sa Edukasyon ng kapangyarihang magpatupad ng
kaukulang parusa sa mga indibidwal o eskwelahang lalabag sa batas e.g.
pagtatanggal ng permiso upang makapagpatuloy ng operasyon para sa mga pribadong
eskuwelahan.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Anti-Bullying_Act
Konglusyon
Bilang
magiging guro, sa hinaharap, tungkulin kong mahubog at malinang hindi lang ang
kaisipan kundi maging ang paguugali ng aking
bawat mag-aaral. Hindi lamang pang-akademikong aspeto ang ating bigyang ng
pansin, kundi maging ang pagtuturon ng wastong pag-uugali upang lumaki silang
may matuwid at isang mabuting tao. Higit sa lahat , makita sa ating mga guro
ang pag-uugaling nais nating maitanim sa kanilang isipan at sa kanilang mga
puso. Masyado man gasgas ang katagang ito, ngunit tunay naman na ang mga guro
ang ikalawang mga magulang ng mga bata
sa loob at labas ng paaralan. Naalala ko pa ang sinabi ng aking ilang guro, na
sila ang magsisilbing modelo sa mata ng mga kabataan, kaakibat nito ang
katotohanang mas sinusunod sila ng mga
mag-aaral kaysa sa kanilang magulang. Kaya
ako, ikaw , siya, tayo ay may kakayahan upang maiwasan ang karahasang dulot ng bullying.
REPERENSYA
http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/